A monument of |
San Pedro
Bautista sa Laguna
sinuat ni Rev. Fr. Gabriel Ma. Delfino, M.A.Hist.
Ang
mga tinatawag na “Renaissance Men” (mga tao ng 1400’s hanggang 1600’s na bihasa
sa Kultura, Agham at Sining dahil sa impluwensiya ng mga unibersidad sa Europa)
ay hindi lamang matatagpuan sa Paris, Madrid, London, at Roma. Sila din ay
hindi lamang natagpuan sa mga lungsod at korte ng mga hari kundi sa mga
hangganan ng mga “colony” mula India, Peru at maging sa Imperyo ng Tsina
(Matteo Ricci, SJ).
Ang
kultura ng mga “Renaissance Men” ay lumiligid sa mga kabundukan at malalayong
mga pulo upang ipadama ang bagong pagtingin sa mundo at ang paglaganap ng
kaalaman sa isip ng mga tao. Ang pagsulong ng Agham at Sining sa iba’t ibang
kultura at lugar ng mundo ay dala ng mga “Renaisance Men” na may kaloobang
Kristiyano.
Isa
sa mg maituturing na “Renaissance Man” ay ang Misyonerong Pransiskano sa
Katagalugan, si San Pedro Bautista.
Hindi lamang siya naging misyonero na
naghahatid ng Pangalan ni Hesus at ng Mabuting Balita sa mga naninirahan sa
Luzon. Alagad din siya ng Sining at Agham. Dahil dumating siya sa Pilipinas
mula sa Espanya noong 42 taon gulang na siya, naranasan na niyang maging
Propesor ng Pilosopiya sa Merida, Predikador sa Katedral ng Toledo at isang
magaling sa larangan ng Musika, ang lahat ng kakayahang napagdaanan ay nagamit
sa paglilingkod sa tao.
Bukod
pa sa pagtatatag ng mga Pamayanan ng Longos at Pakil sa Laguna sa pamamagitan
ng pag-uutos ng pag-iipon ng mga tao “bajo las campanas” (sa ilalim ng mga
kampana), nagawa pa rin ni San Pedro Bautista na magturo ng musikang
pang-simbahan sa mga bata, mga koro at musikero sa Santa Ana, Manila at sa
Lumban, Laguna. Nagkaroon ng pagsasanay sa pag-awit at paggamit ng mga
instrumento ng musika sa humigit na 400 katao sa Lumbang upang iparating ang
mga bagong mga kumposisyon na naging produkto ng musika ng “Renaissance” sa
Europa.
Sa
tulong pa ng isang kapwa-misyonerong Pransiskano [na si Fray Francisco de Gata]
na may alam sa agham ng Medisina at Kimiko, natuklasan niya ang mapang-hilom na
katangian ng mainit na tubig sa Los BaƱos, Laguna. Dahil dito napatatag ang
Hospital ng Aguas Santa sa naturang bayan bilang paggamit ng mainit na tubig sa
paglunas sa mga karamdaman. Ang pagtuklas ng likas na yaman sa pamamagitan ng
Agham ay isa sa mga kinikilalang katangian ng “Renaissance” sa paglaganap ng
kaalaman tungkol sa ating daigdig.
Noong
siya ay manungkulan bilang Pinuno ng mga Pansiskano sa Pilipinas, hindi lamang
siya nag-tayo ng mga gusaling bato para sa mga simbahan, kumbento at lugar ng
“retiro”. Sinikap din niyang dalawin ang bawat misyonerong Pransiskano sa bawat
lugar – mula Bulacan hahnngang Sorsogon – bilang pagpapakita ng kanyang
malasakit at pagdamay. Ang kanyang pagiging “Renaissance Man” ay nakita hindi
lamang sa mga pang-labas na gawain kundi sa isang puso at gawi na magkasabay na
maka- Diyos at maka-tao.
Bagamat
9 na taon lang ang inilagi niya sa Pilipinas, naging malalim ang iniwan niyang
alaala bago pa siya naging martir sa bansang Hapon at Santo ng simbahang
Katoliko. Ipinagdiriwangang ang alaala ni San Pedro Bautista sa Liturhiya ng
Simbahan tuwing Ika-6 ng Pebrero kasama si San Pedro Miki at iba pang mga
Martir ng Hapon.